“Sapat na sa akin noon na magkasama tayo. Kahit hindi mo ako magustuhan, tinanggap ko `yon. After all, ang magpapasaya lang naman sa `yo ang gusto ko.”
Ilang taong sinuyo si Clarise ni Clark ngunit hindi nagtagumpay ang binata na mapasagot siya. Hindi pa siya handang makipagrelasyon. Pangarap niyang makapag-abroad at matulungan ang mga magulang. Dala ng pangarap ay umalis siya ng bansa. Pagkalipas ng apat na taon ay nagbalik siya sa Pilipinas. Nakamit na niya ang pangarap. Peronagbago na si Clark. Hindi na ito ang lalaking abot-langit ang pagtingin sa kanya. Ang masakit, meron na itong ibang babaeng sinusuyo. Hindi siya makapapayag. Susuyuin niya ang binata sa paraang hindi siya mababasted.