“Kung totoo man na mabubuhay at magkikita tayo sa ibang panahon, then I will also include this lifetime and every lifetime after that, for all eternity.”
Sa tanang buhay ni Rosie ay dinedma niya ang natural needs bilang babae. Ngayon ay all-out sa pagpapaalala ang nagwawala niyang hormones na isa siyang normal na Eba. At kailangan niya raw ng isang Adan.
Lalo pang nag-overdrive ang hormones ni Rosie nang makilala si Ismao na isang guwapo, matangkad, at hunk na repairman na para sa kanya ay sexiness personified. Pero bukod sa much older women na kinakalantari ng binata, may longtime girlfriend din pala ito.
Pero nagulat si Rosie nang isang araw ay puntahan siya mismo ni Ismao sa bahay niya.
“I wanted to do this three minutes ago.” Hinila siya ni Ismao sa balikat at hinalikan sa mga labi. Parang may tumamang kidlat sa ulo ni Rosie at na-overload ang neurons niya sa kuryente.
Hindi maunawaan ni Rosie kung bakit namamagneto siya sa binata. Bakit tila hindi niya makita ang tama pagdating dito?
Surely, hormones lang ang dapat sisihin kung bakit hindi niya ito matanggal sa kanyang sistema. Hindi siya in love kay Ismao.
Iyon ang sabi niya. Pero ano naman ang sabi ng puso niya sa bagay na iyon?