Experience the blazing fire of passion and love.
Cry out with the pain and wounds they cause.
No matter how much time it takes to heal,
there still will remain... SCARS.
Iniwan ni Devlin ang magulong buhay at piniling magbakasyon sa hacienda ng kaibigang si Marshall. Pero ang katahimikang inaasam ay hindi natagpuan ni Devlin nang makilala ang mataray at parang tigreng kapatid ng kaibigan—si Bianca Fontanilla. Ang tanging babaeng hindi naapektuhan sa pisikal niyang kaanyuan.
Hindi papayag si Bianca na may lalaking muling magdikta sa pamamalakad niya sa hacienda. Kahit pa ang lalaking iyon ay ang pinakaguwapong diyablo na pumasok sa kanyang paraiso. Pero kaya ba niyang pigilin ang matinding atraksiyong nararamdaman tuwing nagkakalapit sila ni Devlin?