Hindi maalis ni Vincent sa isip niya si Mika mula nang makita itong sumasayaw sa parehong dance studio kung saan din nagpa-practice ang Mad Clown. Ikinaila nga lang niya sa harap ng mga kagrupo ang panonood kay Mika dahil ayaw niyang mapagtawanan.
Pero dahil aminadong nagkaka-crush na kay Mika at gusto itong muling makita, pinuntahan pa rin niya ang dalaga sa nirerentahang dance studio room. Pero nangyari ang hindi niya inaasahan. Siya ang naging dahilan ng pagkakaaksidente ng ka-partner ni Mika sa sasalihang dance contest.
S-sorry