| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
“Lahat naman yata favorite mo, eh. Sana pwede rin ako.”
Magulo ang sitwasyon ng pamilya ni Vianka. Pero nakahanap siya ng katahimikan nang mapalapit kay Chiyo, kapitbahay niya na madalas bumili sa tindahan nila.
Dati ay pangarap lang niya na mapansin ni Chiyo, pero natupad ang matagal nang hiling na iyon nang mahuli siya ng binata na kinakausap ang isang butiki sa kisame. Kung kailangan daw niya ng kausap ay naroon lang ito. Iyon ang simula ng pagkakalapit nila.
Tuwing problemado si Vianka ay lagi siyang dinadamayan ni Chiyo, dahilan para mahulog ang loob niya rito. Kaya nang hiwalayan si Chiyo ng girlfriend nito ay siya naman ang tumulong. Kung pwede ay siya na lang ang mahalin nito. Pero kung kailan naman desidido na siyang paibigin ang binata ay saka naman nakipagbalikan ang girlfriend nito. At ang masakit pa, kapatid pala niya ang babae.
Susuko na ba siya sa pakikibaka para sa pag-ibig ni Chiyo?