“You don’t get lonely when you truly love.”
Matindi ang lamig sa Minsk, Belarus—kasinlamig ng pakikipag-break ng boyfriend ni Tarryn sa kanya at kasinlamig ng bala na tumapos sa kanyang musical career.
Umuwi si Tarryn sa Pilipinas na puno ng kalungkutan. Habang sumasailalim sa therapy ay tahimik siyang tumira sa minanang mansiyon inula sa namayapang tiyahin.
Pero paano siya gagaling kung araw-araw ay kumukulo ang dugo niya kapag nakikita si Karlos, ang ex-lover ni Auntie Em? Ayon sa last will and testament ng tiyahin, aalis lang daw si Karlos sa guest cottage ng mansiyon kung makakatagpo ng bagong karelasyon.
Strategy, suporta, at paghahanap ng girlfriend para kay Karlos ang ginawa ni Tarryn. Iyon nga lang, habang pumapalpak ang mga piano niya, naaalarma naman siya sa nararamdaman para sa lalaki...