Wala akong pakialam kung ikakasal ka. I won't let that happen." Hindi na alam ni Amber kung paano pa itatago ang lihim na pagtingin kay Jeuan Roswell. Naroong lagi niya itong inaaway. Palagi rin niya itong iniiwasan. Ngunit sadyang mapilit ang pagkakataon at lagi silang pinaglalapit. Hanggang sa maramdaman na lang niyang tumindi na ang kanyang pagmamahal para kay Jeuan at ayaw nang lumayo ng puso niya sa binata. Na lalo pang pinatibay nang aminin ni Jeuan na mahal din siya nito. Matagal na. Kaya walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Pero buhay ni Jeuan ang magiging kapalit kung patuloy niya itong mamahalin. Hindi papayag ang kanyang pamilya na hindi matupad ang napagkasunduan na ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kanyang namayapang ama. Paano na si Jeuan? Walang sino man ang maaaring makapanakit sa binata. At handa siyang suungin kahit ang panganib ng sariling pamilya mapatunayan lamang sa mundo kung gaano niya kamahal si Jeuan.