“Wala akong kinatatakutan. Lahat hinaharap ko. Pero pagdating sa `yo at sa nararamdaman ko lalo akong nagagago.”
Kinidnap si Cleo at ikinulong nang ilang araw. Ang sabi ng abductor niya ay kailangan daw pagbayaran ng kanyang kapatid ang kasalanan nito sa mga taong iyon. At siya raw ang gagamitin upang lumitaw ang kapatid niyang nagtatago.
Ngunit sa paglipas ng mga araw na nasa kamay si Cleo ng mga kidnapper ay may isang taong hindi siya pinabayaan. Lagi itong nakabantay sa kanya at lagi siyang ipinagtatanggol tuwing tatangkain siyang saktan ng mga kidnapper. Maaaring estranghero si Gavin sa buhay ni Cleo ngunit hindi niya inakalang sa maiksing panahong makakasama ang binata ay kaagad na mahuhulog ang kanyang loob. At sa maiksi ring panahon ay naibigay niya ang isang bagay na maaari niyang pagsisihan sa huli.
And the day came that she was rescued. Inakala niyang makakasama pa si Gavin at lalo pang makikilala ang binata ngunit bigla ay nais na nitong mawala. Ano ang gagawin ni Cleo? Handa ba niyang ipaglaban si Gavin? Maging ang kapalit man ay manganib naman ang puso niya.