“Hindi ko alam kung anong araw ko naramdaman ito. Nagising na lang ako na mahal na pala kita.”
Si Matthias ang lalaking tumanggap kay Reida nang buong puso kahit alam nito na wala siyang kakayahang bigyan ito ng anak.
Nang magpakasal sila, saka niya natuklasan na may anak pala ito sa ex-girlfriend nito. Alam niya kung gaano kasabik si Matthias sa anak. Nang umatake ang insecurity niya, ora-orada ang naging pasya niya.
Hindi niya naisip na tila naging unfair siya sa asawa. Dahil sa katigasan ng ulo niya at ayaw niyang makinig sa rason ng iba, nakatakdang mawala ito sa kanya…