“I still prefer to call you by your name rather than use an endearment. Because your name is the sweetest word for me.”
Akala ni Roan ay magiging hassle ang pagpunta niya sa Baguio nang nag-iisa para sa bagong assignment sa isang travel magazine. Pero hindi niya inaasahan na doon niya makikilala si Kevin, ang lalaking tutulong sa kanya. Hindi lang ito basta naging tila kapalit ng kanyang partner sa trabaho. Nang malaman niyang may pagka-philanthropist din si Kevin kagaya niya, agad ay nagkaroon ito ng espesyal na puwang sa kanyang puso.
Pero sa pagtatapos ng assignment niya sa Baguio ay nagtapos din ang kabanata ng buhay niya na involved si Kevin. Nagbalik siya sa Maynila habang naiwan naman ang binata sa Baguio.
Pero tila may kakaibang plano ang tadhana. Hindi pala “wakas” na kundi “to be continued” pa ang kuwento nila…