Pantasya ng mga babaeng estudyante ng EMU ang pag-agawan ng dalawang campus hottie na sina Tristan at Liam, pero hindi ni Jeanie, ang tinaguriang Ice Queen dahil sa pagiging loner at aloof. Ngunit hayun siya, daig pa si Helen of Troy sa atensiyong natatanggap mula sa dalawang lalaki.
But she didn't want the attention. Because everything wasn't what it seemed. Isang pustahan lang ang puno't dulo ng lahat. Ang isa ay gusto siyang i-claim bilang premyo at gawing katatawanan. Ang isa pa ay gusto siyang ipagtanggol at protektahan.
Someone would win the bet, and would claim her as his.
Pero hindi pa handa si Jeanie na magpapasok ng lalaki sa buhay niya. She needed to put herself back together from a heartbreaking loss she experienced...