Kung noon, ang mga kontrabida sa isang love story ay mga magulang, other woman, o buong angkan, kakaiba ang love story nina Purple Kisses at King. Ang kontrabida sa kanila ay si "Mr. Fate" na ang libangan yata ay paulanan sila ng kung ano-anong aksidente tuwing sila ay magkasama. Unang encounternasagi ng minamanehong kotse ni Purple ang magarang SUV ni King. Sinundan iyon ng pagkatapilok ni Purple sa harap ng binata at iba pang string of accidents. Ang pinakamalala ay nang mabulunan si King sa gitna ng dinner date nil a ni Purple! Kumonsulta sina Purple Kisses at King sa isang psychic upang malaman kung bakit may "tragedy" na nangyayari sa pagitan nila. Hindi raw sang-ayon ang mga bituin na sila ay magkasama. Hindi na raw sila dapat magkita. Paano na ang kanilang love life? Sabi ni King, "Unti-untiin natin ang pagrerebelde sa ynga bituin hanggang sa magsawa sila sa pagtutol sa atin."