“Sasamahan mo ba akong isugal ang magiging hinaharap natin na kasama ako?”
Ayaw mang aminin ni Lean pero attracted siya sa bibo at baliw na kaibigang si Carlo. She suppressed her feelings until it faded away at makilala si Ryan. Like every first love, her relationship with Ryan didn’t last. Naging masakit ang paghihiwalay nila.
After graduating from college, nagpunta si Lean sa ibang bansa para makipagsapalaran. Pagbalik niya sa Pilipinas, bumalik din sa buhay niya ang dating kasintahan, asking for a second chance. Pero sa pagbabalik niya ay bumalik din ang damdaming ibinaon na niya sa kailailalimang parte ng kanyang puso—ang pag-ibig niya para sa kaibigang si Carlo. Pero may iba nang minamahal ang kaibigan.
Dapat bang sundin ni Lean ang idinidikta ng kanyang isip na tuluyan nang kalimutan ang kaibigan at bigyan ng pangalawang pagkakataon si Ryan? O sundin ang puso niyang nagsasabi na ipaglaban si Carlo?