Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
Perfectly Imperfect Trilogy 2 - Run Away With Me
E-book

Perfectly Imperfect Trilogy 2 - Run Away With Me

by: Bethany Sy

₱45.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

Maituturing na isa sa pinakamagaganda at sikat sa eskuwelahan nila si Jai noong high school. Maraming lalaki ang nagpapalipad-hangin sa kaniya pero sa iisang tao lamang tumibok ang kaniyang puso—kay Bradley. Kaya nang malaman mula sa isang schoolmate na balak siyang ligawan ng binata ay natuwa siya. Hinintay niyang lapitan siya ni Bradley pero nakontento lang ang binata sa ligaw-tingin.


Binale-wala ni Jai ang hiyang nararamdaman. Niyaya niya si Bradley na makipagkita sa kaniya para alamin ang dahilan kung bakit hindi nito itinuloy ang panliligaw. Pero nabigo si Jai dahil hindi siya nito sinipot. Hindi na rin sila muling nagkita pagkatapos ng araw na iyon.


Lumipas ang limang taon, nagulantang si Jai nang matuklasan na nag-transfer si Bradley sa university kung saan siya nag-aaral. Ngunit gaya noon, napakahirap makalapit sa binata dahil palagi itong pinagkakaguluhan ng mga babae sa university. Kaya naisip niyang sumali sa isang auction na ang mananalo ay maisasayaw ni Bradley.


Winner na winner ang pakiramdam ni Jai dahil siya ang masuwerteng nanalo. Napakabilis ng tibok ng kaniyang puso habang kasayaw si Bradley. Pero nadismaya siya nang mapansin na parang hindi siya nito maalala. Oo nga pala, hindi na siya ang dating maganda at sosyal na si Jai na nakilala nito. Naging boyish siya at kinalimutan ang pagpapaganda dahil five years ago, naglaho ang nag-iisang dahilan para gawin niya iyon.


Pero makilala kaya siya ng puso ni Bradley?

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImageImage
Image
Image