Aina dela Cruz was an introvert. She was a well-known painter subalit hindi siya tulad ng iba na madalas magpakita sa mga event kung saan nakatampok ang kanyang mga obra.
Subalit dahil sa pamimilit ng ilang mga kaibigan, napilitan si Aina na dumalo sa Party of Destiny. Doon ay nakilala niya si Winston Rosales—una ay nang kumakain ito sa beach, pangalawa ay nang makita niyang natutulog ang lalaki sa likod ng pick-up niya. Dahil na rin sa pagmamakaawa ni Winston ay hinayaan niya muna itong tumuloy sa kanyang bahay sa Bulacan. Pinalayas daw ito sa inuupahang bahay.
Pinagsilbihan siya ni Winston kapalit ng pansamantalang pakikituloy nito sa poder niya. Naging napakabuti ng lalaki sa kanya. At sa paglipas ng mga araw ay unti-unting lumalim ang kanilang relasyon.
Subalit tila nawasak ang magandang mundo ni Aina nang mapag-alaman na ang lalaking pinapatuloy niya sa sariling pamamahay ay pinaghahanap ng awtoridad. She was torn. Hindi niya alam kung ano ang dapat piliin: ang gawin ang tama at isuplong ang binata sa mga pulis o tanggapin ito at hayaang magtago sa piling niya habang-buhay?
“Simple lang ang gusto kong gawin sa buhay, alam mo ba `yon? Gusto ko lang na makausap ka araw-araw, tumawa kasama mo. Gusto ko lang na manatili sa tabi mo, iyon lang.”
They all met in one night…
In one place…
In one destined moment…