“I can see you from the corner of my eye, you know. Alam kong nakatitig ka na naman sa akin.”
Sa kabila ng pagiging absentee boyfriend ni Jason ay may pakiramdam si Mara na malapit na itong mag-propose at nai-imagine na niya ang romantic magical moment na iyon.
At habang busy pa ang nobyo sa trabaho, busy rin si Mara. Busy sa pagsilip-silip sa misteryosong kapitbahay. Hindi naman niya akalain na alam pala ng lalaki ang ginagawa niyang pagmamasid at pinag-trip-an siya! Kaya laking-pasasalamat ni Mara na umalis na ito at hindi na nagbalik pa.
Pero isang araw, bigla na lang bumungad sa harap ng kanyang pinto ang lalaki. Ito raw si Anton—ang architect na magre-renovate ng bahay niya.
Sa kabila ng hindi magandang umpisa nila ni Anton, nagkapalagayan din ang loob nila. Eventually, they became inseparable. At hindi napigilan ni Mara na mahulog ang loob sa binata.
Nang sa wakas ay mag-propose si Jason, nagtaka siya. Bakit hindi iyon romantic at magical? Nahirapan tuloy siyang magdesisyon.
Pero nang sa wakas ay makapagdesisyon na, hindi na nagpakita at nagparamdam ang lalaking pinili ng kanyang puso.