“I will hire a private investigator. The best in the field. Para kahit nasa loob ka pa ng kweba ay mahahanap kita.”
Business transaction ang ipinunta ni Joe sa opisina ni Danna. Ngunit hindi iyon ang kinahantungan ng naging pag-uusap nila.
Dahil sa labis na sama ng loob ni Danna sa boyfriend ay niyaya niya si Joe na makipag-date sa kanya. Plano niyang gamitin ang lalaki para pagselosin si Lest.
Nagtungo sila sa isang bar kinagabihan at nag-inuman. Nagulat na lang siya nang matagpuan ang sarili na maligaya sa piling ng lalaki. The next minute, they were exchanging laughter na para bang matagal na silang magkakilala.
Nang mahuli ni Danna ang boyfriend na may kasamang iba ay himalang wala siyang naramdamang pagdadalamhati. Na-excite pa nga siya dahil nangangahulugan lamang na malaya na siya. She could finally sing…
Sexy, free and single and ready to mingle!!!