“Hindi ko kayang hindi ka isipin. Hindi ko kayang hindi isipin kung ano ang ginagawa mo, at least once a day.”
Bumalik sa Pilipinas si Anne para i-organize ang sixtieth birthday party ng ina ng nobyong si Paolo. Pero aksidenteng nagkita uli sila ni Max, ang first boyfriend niya na nakipaghiwalay sa kanya dahil sa hindi pagsang-ayon na pumunta siya sa Canada para makatulong sa problema ng kanyang pamilya.
Anne thought she had moved on with her feelings toward Max. Pero hindi niya maiwasang maging apektado sa presence nito tuwing tila sinasadya ng tadhanang magkita sila. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nagseselos siya sa babaeng napapaugnay kay Max. At naiinis siya kapag naririnig ang isang kantang nagpapaalala sa ugnayan nila noon. Hanggang sa magkasama sila ni Max sa iisang lugar ay naramdaman ni Anne na may sparks pa rin sa pagitan nila.
Pero pilit iyong binale-wala ni Anne. She had Paolo now. Kaya nang mag-propose ang nobyo ng kasal ay dali-dali niyang tinanggap. Pero magagawa pa ba ni Anne na magpakasal kay Paolo kung biglang tumutol si Max at aminin na mahal pa rin siya nito hanggang ngayon?