Naging malapit na kaibigan ni Graciel si Bojo kahit pa malayo ang agwat ng kanilang mga edad.
Nakarating ang balita sa mommy ni Bojo na nakikipag- mabutihan ito sa isang babaeng malaki ang tanda rito at nag-panic ang ginang. Binulabog niyon ang nakatatandaang kapatid nito—si Inno. Napilitan si Inno na pakialaman ang love life ng pamangkin nito.
Laking gulat ni Graciel nang makaharap niya ang Tito Inno ni Bojo at matuklasan niya na ito pala ang Making unang kita pa lamang niya noon ay nagpakabog na sa kanyang dibdib. Iyon nga lang, in-snub siya nito noon.
Nadismaya siya. Wala siyang duda na pangit ang impresyon nito sa kanya dahil sa pakikipaglapit niya kay Bojo. Binigyan nga sila ng tadhana ng pagkakataong magkita uli ngunit hindi sa paraang gusto niya dahil ang alam nito ay nobya siya ng pamangkin nito.
Paano ba niya babaguhin ang pangit na impresyon nito sa kanya?