Heather lost some part of her memory after a car accident. Nagising siya inula sa operasyon na naaalalang kasal siya kay Rex Torejon, pero kasama sa mga nakalimutan niya ay ang damdamin niya para dito.
Nangako si Rex na liligawan siya nito araw-araw, paiibigin uli siya hanggang sa maalala niya ang nakaraan. True enough, Heather fell in love with Rex the second time around. Ngunit kung kailan minahal na uli niya si Rex ay saka niya natuklasan ang ginawang pagtataksil nito. Rex had an affair with her best friend Sabina!
Nagalit siya kay Rex at pinaratangan niya ito ng kung anu-ano—only to realize nang magbalik ang alaala niya na siya ang may kagagawan ng lahat ng kasalanang ibinibintang niya rito. At ang totoo ay hindi na gusto ni Rex na magbalik ang alaala niya, dahil ang alalahanin ang nakaraan ay mangangahulugang kailangan niyang kalimutan ito...