Isang masquerade party ang dinaluhan ni Lauren. Isa iyong gabing puno ng misteryo at pagpapanggap. Isang gabi na minahal at sinamba siya ng isang kasingguwapo ni Alexander Torelda. Lumipas ang magdamag na hindi nito alam kung sino siya.
Umuwi si Lauren sa kanilang probinsya dala ang matamis na alaala nang gabing iyon na naging ganap siyang babae sa piling ng lalaki.
Pagkatapos ng walong taon na walang naging balita si Lauren kay Alex ay muling nagtagpo ang kanilang mga landas. At sa pagkakataong iyon, si Alex na mismo ang lumalapit sa kanya at nag-aalok ng pag-ibig. At naroon pa rin ang mahikang dala ng binata sa kanyang pagkatao na naging dahilan para ibigay niya rito ang sarili noon.
Pero paano kung katulad noon ay katawan lang niya ang habol ni Alex? Kaya ba niyang muling magpaalipin sa mahika nito at sa bandang huli ay siya uli ang mapapaso?