“My dreams are meaningless if you’re not there. Ayokong nasa likuran lang kita at pinapanood akong tinutupad iyon.”
Gustong maging doktor ni Mayet balang-araw kaya nag-aral siyang mabuti. Maganda naman ang naging resulta niyon dahil naging consistent honor student siya. Pero nabulabog ang tahimik niyang mundo sa pagdating ng isang cute, pilyo, at makulit na lalaki. Hindi susuko si Devon David hangga’t hindi nakukuha ang matamis niyang “oo.” Pilitin man ni Mayet na kontrolin ang sarili, nahulog pa rin ang loob niya kay Devon. Aaminin niya, naaaliw at kinikilig siya sa binata.
Si Mayet ang first love ni Devon. Siya ang katuparan ng mga pangarap ng binata. Dahil kay Mayet, tumino at nag-aral nang mabuti si Devon. She was his inspiration.
Pero dumating sa puntong kailangan na ni Mayet na itigil ang kahibangang iyon. She broke his heart.
Pagkalipas ng maraming taon, muli silang nagkita ni Devon. Ibang-iba na ito. Malayo na sa dating pilyo at makulit. He became a gorgeous heartless hunk. At siya, nagbago na rin. Dahil siya na ngayon ang natotorete sa harap ng binata.
Pero huli na ang lahat, dahil engaged na si Devon at mukhang itutuloy nito ang mga pangarap na hindi siya kasama…