May I layas si Dana nang malamang ipinagkasundo siya ng mga magulang na ipakasal sa isang lalaking hindi niya kilala.
Pero gaya nga ng kasabihan, when it rains, it pours. Dahil sunod-sunod ang naging kamalasan ni Dana. Nakasakay na siya ng bus at nagbibiyahe na iyon to only God knows where nang malamang naiwan niya ang kanyang cell phone at nawawala ang kanyang wallet. Ang alam ni Dana ay dala niya ang wallet at hindi naman siya umalis ng bus kaya malamang na ang salarin ay ang walang modong lalaking katabi niya sa bus.
Sinabihan niya ang lalaki na ilabas ang kanyang wallet. Payag naman ang lalaking i-check niya ang lahat ng gamit nito sa isang kondisyon: kapag wala siyang nakitang ebidensiya na ito ang kumuha ng pera niya, lilipat siya ng upuan at hindi na ito bubuligligin. Pumayag naman si Dana.
Pero wala siyang nakitang ebidensiya. At sa malas, noon naman nagsimulang maningil ang konduktor. Ano ang ibabayad niya? Ah, it's time she put her acting skills to the test. Umarte siya na girlfriend na itinanan ng lalaki para mapilitan itong ibayad siya ng pamasahe.
Effective naman ang ginawa niya. At dahil nga wala siyang kapera-pera, no choice si Dana kundi buntutan ang walang modong lalaki na Brix pala ang pangalan.
Bumuntot siya nang bumuntot hanggang sa ayaw na niyang mapalayo kay Brix...