“I’ll make it sure na first move ko pa lang, mapapasagot na kita.”
Maihahalintulad sa isang telenobela ang buhay ni Sofia: may mapang-aping ina na kulang na lang ay ibugaw siya kapalit ng pera, at ang kinakasama ng ina na muntik na siyang pagsamantalahan. Sa kabila niyon ay may isang animo anghel na bumaba mula sa langit upang sagipin siya sa masalimuot niyang buhay. Si Ares—guwapo, mayaman, edukado.
Hindi lubos akalain ni Sofia na iibig sa kanya ang isang tulad nito.
Ngunit magpapatuloy pala ang malatelenobela niyang buhay sa piling ng binata. Muli, may mga balakid—ang matapobre nitong ina, at isang maganda at sopistikadang babae na ipinangako kay Ares na pakakasalan.
Pinilit ni Sofia na magpakatatag. Ngunit hindi niya alam kung saan ang kanyang hangganan upang ipaglaban ang pag-ibig kay Ares…