Kapag mahal mo ang isang tao, dapat tanggap mo ang lahat-lahat sa kaniya... Kapag mahal mo, mahal mo. No ifs, no buts." Nang lokohin si Via ng pinakamamahal niyang nobyo, inakala niya na ang pagmo-move on ang pinakamahirap gawin sa mundo. Inakala niya na hindi na siya makakabangon uli at hindi na magiging masaya. Pero pinadali ni Sean ang lahat. Hindi siya nito iniwan at pinabayaan. Ipinadama nito sa kanya na importante siya at karapat-dapat na lumigaya. Pero nang mahulog ang loob niya kay Sean, na-realize niyang mas mahihirapan pala siya at mas masasaktan sa pagmamahal sa binata.