| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
Kapag naka-survive si Katreena aka Taki na manirahan sa isang isla na walang magarang hotel at restaurant na nakasanayan ay pahihiramin na siya ng kanyang ama ng puhunan para sa negosyong matagal nang pinapangarap. Kaya pumunta siya sa Fortune Island—ang lugar na inakalang magdadala ng suwerte sa kanya.
Pero sa unang araw pa lang ay panay kamalasan na ang na-experience ni Taki sa isla. Kasama na ang pagpapalayas sa kanya ni Alexandre, ang guwapo pero masungit na may-ari ng isla. Private property daw kasi iyon at trespasser siya.
Dahil determinadong malagpasan ang challenge, ginawa ni Taki ang lahat para manatili sa isla. At laking tuwa niya na usaping negosyo pala ang makakapukaw sa interes ni Alexandre para pumayag na mag-stay siya sa isla. Tinulungan din siya ng binata kung paano mamuhay roon. At sa paglipas ng mga araw ng pagkakalapit nila ay nakita ni Taki ang kabutihan ni Alexandre; ang inis na naramdaman niya ay unti-unting nauwi sa matinding atraksiyon.
Pero allergic si Alexandre sa mga spoiled brat daw na gaya niya. Kaya mukhang may bagong challenge na kailangan uling harapin si Taki. Iyon ay kung paano naman niya aakitin ang binata para ma-in love sa kanya.