Mas gugustuhin kong sulitin ang inga araw na magkasama tayo kaysapatuloy na masaktan kapag lumalayo ako sa 'yo." Nangako si Rock sa sarili na hindi na siya magmamahal uli pagkatapos maramdaman ang labis na sakit sa pagkawala ng taong mahal na mahal niya. Pero may ibang piano yata ang tadhana nang makilala niya si Lira. Ayaw ni Rock kay Lira dahil sa taglay na kadaldalan, kakulitan, at obvious na pagpapakita na may gusto ito sa kanya. Ngunit sa paglipas ng mga araw na nakikilala niya ang totoong Lira ay unti-unti rin niyang napansin ang kakaibang damdamin na pinupukaw nito sa kanya. No. He wouldn't love again. Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa sarili. Hindi na niya kayang masaktan uli. Pero paano kung lagi na niyang hinahanap ang presensiya ng babae? Kaya ba niyang bawiin ang pangakong binitiwan o sumugal at mahalin si Lira?