Litong-lito na si Erika. Para kasing nai-in love na naman siya sa lalaking hindi pa niya nakakaharap—kay Dean. At hindi pa siya sigurado kung lalaki nga ito dahil sa Facebook lang ang communication nila.
Nang magpasya na siyang i-meet si Dean, hindi naman sila nagkita. Sa halip, ang antipatiko at dominanteng nagpahiram sa kanya ng coat noong nakaraang araw ang nakatagpo niya sa meeting place nila ni Dean—si Kristian. Nabaling ngayon ang kanyang atensiyon sa guwapong lalaki.
Pagkatapos niyon, dumalas na ang aksidenteng pagkikita nila ni Kristian. At base sa mga ginagawa at ipinaparamdam ng binata kay Erika, ramdam niya na may ibig sabihin iyon kahit wala itong sinasabi. Lalo tuloy naguluhan ang kanyang isip at puso. Pantay na damdamin ang nararamdaman niya sa dalawa. Hindi puwedeng sabay na magmahal ang puso, hindi ba?