Ilang beses kong tinanongsa sarili ko kung ano ang meron sa yo at nagustuhan kita. Ilang beses din akong nabigo na makahanap ng sagot. Basta ang alam ko, hindi ko kailangan ng dahilan para mapasaakin ka." Isang sikat na horror writer si Vlad at sa susunod niyang kuwento, naisip niya na siya ang maging bida. Kaya nagpunta siya sa isang bundok sa Romblon at personal na binisita ang lugar na sinasabi ng mga tao na may "aswang" daw. Pero sa halip na "aswang" ang makita ni Vlad, tila isang diwata pa ang nakita niya. Labis siyang na-curious sa pagkatao ng babaeng "Mahalina" ang pangalan. Kaya imbes na iwan ito at pabayaan, hindi niya ito tinantanan at sa halip ay kinilala pang mabuti. Marami siyang nalaman tungkol sa tunay na pagkatao ni Mahalina. At kaakibat niyon ang pagkahulog ng kanyang loob. Hindi na yata horror story ang magagawa niya kundi romance story na!