“Kung halimbawa… isa akong babaeng may mataas na pinag-aralan, may matinong kabuhayan, may kakaibang kagandahan, may… may… may ginto sa ngipin! At tinangka kitang halikan, papahalik ka ba?”
Dahil hindi boto sa girlfriend ng kaibigang si GREG, isang libo at isang tuwa ang kaligayahan ni BEBANG nang masangkot sa eskandalo ang babae.
LOL. ROFL. Sangkatutak na smileys at emoticons. Pero nawala si GREG. Sa kahihiyan ay nagtago sa islang walang signal. Hindi nare-receive ang malulutong na halakhak ni BEBANG.
Kaya sinundan niya ang lalaki.
Magpapakamatay na raw ito sa isla.
Ano ang gagawin ng isang kaibigan?
Eh, di tutulong. Naghanap si BEBANG ng lubid. —