| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
Trahedya ang kuwento ng buhay ni Lourice. Una, iniwan sila ng kanyang ina at sumama sa isang mayamang lalaki. Pangalawa, hindi siya nakapagpatuloy sa kolehiyo dahil nagtitinda siya ng mga tanim na gulay ng kanyang ama sa palengke. Ngunit ang tragedy ay naging isang fairy tale nang magkrus ang mga landas nila ni Third Evangelista, isang sikat na aktor. And like a knight in shining armor, sinagip siya ng guwapong binata mula sa kalungkutan, binigyan ng bagong pag-asa sa buhay at... ipinalasap kung paano maging masaya at umibig.
Nalubos pa ang kanyang kaligayahan nang suklian ng binata ang kanyang damdamin dito. Kaligayahang mukhang short-lived dahil sa mga natuklasan ni Lourice kung sino ba talaga si Third, at kung ano ang koneksiyon nito kung bakit malungkot ngayon ang kanyang pamilya.
Mukhang hadlang ang kapalaran sa pag-iibigan nilang dalawa. At mukhang iyon na ang pinakamalaking trahedya sa buhay ni Lourice.