“I never wanted anything in my life than be with you forever.”
Pagkalipas ng isang taon pagkamatay ng boyfriend ni Precious na si Dennis ay naging visible figure sa buhay niya ang kaibigan nito na si Angelo. He was like an angel to her in so many ways. Sa kabila ng pagtataray at pambabale-wala niya rito ay napagtiisan nito ang kaimposiblehan ng ugali niya. Lagi pa rin siyang tinutulungan nito tuwing nangangailangan siya ng tulong.
After Dennis, she thought Angelo was the perfect man for her. Mahirap pigilan ang sarili na mahalin ito. She was fast falling for him when she learned about his little secret. Buhay pa pala si Dennis at itinatago lang sa kanya ni Angelo ang totoo. Napalitan ng galit ang umuusbong pa lang na pagmamahal niya rito.
Until she was torn between two choices. Bigla ay pinapili siya ng papa niya kung sino ang dapat niyang pakasalan: Ang kinasusuklaman niyang si Angelo, o ang napipisil ng papa niya para sa kanya—isang mayamang lalaki pero hindi naman niya mahal.