“With the way you’re blushing, sa tingin ko ay dapat na tayong maikasal sa lalong madaling panahon.”
Dahil sa nasaksihan na isang krimen, kinailangan ni Strawberry na lumayo at magtago. Dinala siya ni Mayor Alab Aragon—ang may hawak ng kaso—sa mansiyon ng pamilya nito. Doon ay ipinalasap sa kanya ni Alab ang buhay-probinsiya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ni Strawberry na magtanim ng palay, mag-boodle fight kasama ang mga magsasaka, at kumain ng pinaka-gross na gulay na natikman niya sa buong buhay niya, ang saluyot.
Bale-wala ang lahat ng iyon kay Strawberry, dahil ipinalasap din ni Alab sa kanya ang una niyang karanasan sa pag-ibig. Sobra-sobra ang pagmamahal niya sa binata.
Pero nalaman niya na kaya pala siya itinago roon ni Alab ay hindi para protektahan kundi para lang may maipakilalang girlfriend sa lolo nitong may sakit—na ang tanging hiling bago pumanaw ay makita ang apo nito sa binata.
Si Alab din pala ang magpapalasap kay Strawberry ng una niyang kabiguan sa pag-ibig. At mukhang masasaktan siya...