“What did you do to me? Bakit hindi ko makontrol ang sarili ko pagdating sa `yo?”
Isang college student si Zelle na buung-buo ang paniniwala sa Prince Charming, true love, kasal at happy ending. Kaya naman ang pangarap niya ay maging kilalang wedding planner sa hinaharap. Sa pagdating ng isang espesyal na lalaki sa buhay niya ay umasa siya sa lahat ng positibong bagay tungkol sa pag-ibig. Ngunit hindi nagkatotoo ang happy ending niya nang iwan siya nito. Sa gitna ng lungkot ay dumating sa buhay niya si Rei, ang lalaking muling bumuhay sa pangarap niyang happy ending. Muli siyang nagtiwala, subalit may lihim pala ito—isang lihim na naghatid ng sakit sa puso niya…