“Don’t worry, okay lang na nalaman ko ang sekreto mo na may gusto ka sa akin. Mapagkakatiwalaan naman ako, eh.”
Mas binilisan ni Lena ang paglalakad sa kabila ng patuloy na pagtawag at pagsunod sa kanya ng lalaking nakasabay sa elevator.
Paglabas ng gusali ay nakaparada na sa harap niyon ang magara niyang sasakyan. Pero bago pa siya makasakay ay may kamay na pumigil sa kanyang braso. “Lena, ako `to, si Eleazar Valencia.”
“Hindi kita kilala. My name is Helena, pero hindi ako ang ‘Lena’ na tinutukoy mo. Baka magkapareho lang kami ng pangalan.”
“At nagkataon lang ba na magkamukha rin kayong dalawa?”
“Baka pareho lang kaming maganda. I’m sorry but I have to go. Please excuse me.” Pagkasabi niyon ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan. Nanginginig na nasapo ni Lena ang dibdib, sabay usal sa pangalang “Eleazar.”
Paano ba niya ito makakalimutan? Si Eleazar lang ang nag-iisang lalaking minahal niya pero ito rin lang ang lalaking nanakit sa kanyang damdamin nang labis-labis…