Nang magsabog ng kamalasan ang universe ay nasalo yatang lahat ni Violette, ang dating beauty queen na ngayon ay serbidora na lamang sa isang pipitsuging kainan. At nang palayasin siya ng tiyahin at nabundol ng isang sasakyan, alam niyang wala nang sasama pa sa kanyang kapalaran. Pero may suwerte rin yatang hatid ang pagkakabundol sa kanya dahil ang sakay ng sasakyan ay walang iba kundi si Zachary Almazan, ang crush niyang sikat na singer! Mukhang iyon na ang kasagutan sa mga dasal niya, lalo na nang alukin siya ng binata na magpanggap na girlfriend nito.
Natsitsismis kasi na bakla si Zachary at naghahanap ito ng paraan para itanggi iyon. Eksaktong lumabas ang tsismis na may itinatago itong girlfriend—si Violette. Na-video-han kasi silang magkayakap sa kalsada. Sa isang iglap, nagkaroon ng trabaho si Violette bilang pretend girlfriend ni Zachary at sa bahay pa nito siya titira!
It was very easy to pretend she loved him. Isa pa, kahit walang audience ay sweet ito sa kanya. Suddenly, nangarap na siya ng magiging buhay kasama si Zachary.
Pero nangangarap lang siya nang gising. Dahil mismong si Zachary pa ang nagpaalala na binabayaran lang siya para umarteng mahal niya ito.
Kung naho-hopia lang si Violette, bakit feel na feel ni Zachary ang paghalik-halik sa kanya?