Jenna fell madly in love with Piers, pero pinagsupladuhan siya nito at kinainisan. Kaya naman nagulat siya nang bigla ring nagpakita ng interes sa kanya ang binata nang magpakita sa kanya ng interes ang best friend nitong si Martin. Pero nang marinig niya mula kay Martin na gusto lang gumanti ni Piers dito sa pamamagitan niya dahil sa pakikipag-one-night stand nito sa dating girlfriend ni Piers ay agad siyang naniwala. Lumayo siya sa Making minamahal.
They met again thirteen years later. Natanto niya na walang nabago sa epekto nito sa kanya. Mahal pa rin niya ito. Ngunit bumalik ito sa dating Piers na aloof at suplado. Worse, engaged to be married na ito.