| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
“Everything I have in life would be useless if not for you.”
Nang minsang maholdap si Ellora ay may isang lalaking nagligtas sa kanya—si Brandon. Mula noon ay tila sinasadyang palaging nagkukrus ang kanilang mga landas. Aminado si Ellora na guwapo, mabait at malakas ang karisma ng lalaki, mga dahilan kaya madali siyang na-in love dito. Lalo pa’t pakiramdam niya ay matagal na niyang kilala ang lalaki.
At nang halikan siya ni Brandon, biglang nakita ni Ellora sa katauhan nito ang lalaki sa panaginip niya na humalik din sa kanya—halik na kasintamis ng halik ni Brandon.
Diyata’t si Brandon na nga ang lalaking palagi niyang nakikita sa panaginip na makakatuluyan daw niya.
Pero paano kung isang araw ay malaman ni Ellora na naaksidente pala siya at pansamantalang nawala ang memorya? Paano kung si Brandon pala ang may kasalanan ng pangyayaring muntik nang kumitil sa kanyang buhay?