“You made me believe in love again. Now make me believe in forever.”
Sa edad na twenty-eight ay NBSB pa rin ang wedding photographer na si Gigi. Ang dahilan ay in love siya sa best friend niyang si Darren. Kaya lang ay nakatakda nang ikasal si Darren kay Megan, ang babaeng nakilala lang nito sa Internet. She had to do something or else she will lose him forever! Naisip niyang baguhin ang sarili.
Eksakto namang dumating sa buhay ni Gigi ang masungit at guwapong kuya ni Megan—si Summit, the half English handsome hunk with the sexiest accent and voice she has ever heard. Handa ang binata na tulungan siya sa kanyang misyon.
Sa ilang araw na magkasama sila ay unti-unti niyang nakilala ang pagkatao ni Summit. At tila hindi lamang panlabas na anyo ang binabago nito sa kanya kundi maging ang kanyang damdamin…
Could Summit be the one for her?