Unang kita pa lang ni Mary Grace kay Xeph ay naramdaman na niyang may koneksiyon siya sa binata. Ito pala ang lalaking nagligtas sa kanya sampling taon na ang nakalilipas. Matindi ang pinagdaanan niya nang mamatay ang mga magulang niyang scientist bago niya natamo ang. matiwasay na buhay sa piling ng umampon sa kanya sa tulong ni Xeph.
Isang assassin si Xeph ng isang underground group at nasa Pilipinas ito upang iligtas siya kay Greyson, ang scientist na may banta sa kanyang buhay. Habol ng scientist ang microchip na nakatanim sa puso niya—na inilagay ng kanyang mga magulang—na naglalaman ng code sa paggawa ng thermonuclear weapon. Nalaman niya ang mga bagay na iyon kay Xeph.
Sa pamamalagi ni Xeph sa bansa ay hindi na napigilan ni Mary Grace ang damdaming umusbong sa kanya para sa binata. Ngunit tuwing ipaparamdam niya kay Xeph ang kanyang damdamin ay umiiwas ito. Sadya yatang ganoon ang karakter ng isang assassin, malamig.
Subalit nabuhayan siya ng pag-asa nang araw ng kaarawan niya at kasama niya ito. Ipinaramdam ni Xeph sa kanya na may damdamin din ito sa kanya. Pero hindi pa man niya nasasabi ang salitang mahal na niya ang binata nang may bumaril sa kanya...