Pumayag si Alexandra sa piano ng kanyang best friend para huwag matuloy ang arranged marriage nito at ni Paul. May lihim na nobyo na kasi ang kaibigan niya at si Paul naman ay wala pang balak mag-asawa. Ang kailangan lang gawin ni Alexandra ay maging pretend girlfriend ni Paul. At sa galing niyang umarte, naniwala ang lahat na tunay silang nagmamahalan.
Guwapo si Paul, pero ubod naman ng sungit. Daig pa ang isang babaeng nagme-menopause. Pero sa kabila niyon ay attracted naman siya sa binata.
Nang sa palagay nila ay hindi na ipipilit ang arranged marriage, tinapos na nila ang pekeng relasyon. Ngunit sa pakiusap ng mga magulang ni Paul na paniwalang-paniwala sa naging drama nila ay pumayag na naman si Alexandra na makipagbalikan" sa binata. Pagkakataon kasi iyon para muli silang magkalapit.