Unang kita pa lang ni Mia kay Inno sa resort na pinuntahan niya ay kumabog na sa kakaibang paraan ang dibdib niya. At mukhang ang lalaki ay ganoon din. Inakala tuloy niya na sa wakas ay natagpuan na niya ang pinakahahagi-hagilap niyang Prince Charming. Laking pagtataka—at disappointment—tuloy niya nang maghiwalay sila nito nang hindi man lang nito inalam ang contact number niya.
She thought she would never see him again. Pero nasa mood yata ang tadhana na pag-trip-an siya dahil muli silang pinagtagpo. Ang masaklap, noon niya natuklasan kung bakit ilag ito sa kanya kahit mukhang tinablan naman ito ng charm niya: ikakasal na ito at ang pakakasalan nito ay ang babaeng kliyente ng events planning company na pag-aari niya.
Iyon na yata ang pinakamasakit na pakiramdam na naranasan niya; ang mag-ayos ng kasal ng lalaking natutuhan niyang mahalin sa sandaling panahong pagkakakilala nila.