“If loving you means embracing foolishness at its finest, I won’t mind. I’d rather die a fool than a lonesome genius.”
Single but never available ang bagong boss ni Alexis na si Sir Enzo. Never na rin itong naging happy simula nang kunin ni Lord ang happiness aka ex-girlfriend nito. Isang araw, mula nang bigyan si Alexis ng karapatan ng pamilya ng kanyang boss, binudburan niya ng sunshine ang madilim na mundo ni Sir Enzo. Tuwing umaga, naghahanda siya ng isang tasa ng kape na may nakadikit na post-it, na araw-araw ay iba-iba ang kulay at laman na joke.
Alexis tried. Until her world became dark too. Caught in the act niya kasi ang boyfriend niyang may kasamang buntis na babae. Sa ilang taon nilang relasyon, inakala niyang nasa dagat ito at abala sa pagpapayaman. Abala pala ito sa pagpaparami ng lahi.
Pero hindi inasahan ni Alexis na ibabalik ni Sir Enzo ang pabor na ginawa niya. He tried making her happy too by giving her foods, wala nga lang post-it na kasama. Araw-araw, walang palya. Hanggang sa ma-realize ni Alexis na hindi naman pala worth crying for ang ex-boyfriend niya.
Pero may isa pang na-realize si Alexis. Hindi na lang simpleng happiness ang nararamdaman niya para kay Sir Enzo. Pagmamahal na! Kagaya ng pagpapalitan nila ng a little bit of sunshine, maibabalik din kaya ni Sir Enzo ang feelings niya?