Years ago, Lyssa thought she had this romantic connection with Claude—a gorgeous but happy-go-lucky guy from Kanaway—dahil sa mga halik na pinagsaluhan nila nang manatili siya roon para bumisita sa isang kaibigan. Pero nang mahuli niya ang pagta+aksil ng binata, ang atraksiyong naramdaman ay napalitan ng galit. Lalo at bale-wala lang pala kay Claude ang naging ugnayan nila sa isa't isa.
Para kalimutan ang nangyari, itinuon ni Lyssa ang atensiyon sa pagsalo sa responsibilidad na pamahalaan ang jewelry business ng kanilang pamilya nang talikuran iyon ng kapatid. Pero kung kailan tanggap na niya ang bagong buhay, biglang sumulpot uli si Claude sa buhay niya. And he seemed so lost, dahil sa mga maling desisyon sa buhay. At siya ang naisip ng binata na maaaring tumulong sa pagbabago nito dahil pareho raw silang may struggle" sa buhay.