Dahil sa isang hindi inaasahang sitwasyon, napilitan si Maddy na maging pretend girlfriend ni Jason, ang bago niyang boss na hot and fit. Habang tumatagal ang pagsasama nila, hindi niya maiwasang maapektuhan sa matatamis nitong salita. Dapat niyang tandaan na fake lang ang relasyon nila. Fake lang din ang emosyon ni Jason para sa kanya. Pero para kay Maddy, unti-unti nang nagiging totoo ang nararamdaman niya para sa kanyang fake boyfriend.
Isang araw, tinapos na ni Jason ang peke nilang relasyon. Pero nalulungkot si Maddy dahil kahit gusto na raw siya ni Jason, wala naman itong balak na ligawan siya. Kesyo hindi pa raw lubusang naghihilom ang sugat na nilikha ng babaeng huli nitong minahal. Kesyo hindi pa raw nito kayang ibigay nang buo ang sarili sa babaeng mamahalin.
'Kainis! Ang hirap palang ma-in love sa isang lalaking may mabigat na dalahin sa buhay. ^Di bale, hindi naman siya nagmamadali. Makukuha rin 'yan sa pasensiya at tiyaga para maging for real na ang pagmamahalan nila.