“Kailangan mo akong panagutan sa ginawa mong pagyakap sa akin. Girlfriend na kita kapag hindi mo ako binitiwan ngayon din.”
Biglang nag-180 degrees ang pagbabago ng buhay ni Sunny nang matagpuan ang kanyang tunay na pamilya at makamit ang pangarap na makapag-aral sa isang culinary school.
Pero mas malala pa sa 180 degrees ang naranasan ni Sunny nang tumibok ang kanyang puso kay Daego Sebastian sa unang pagkakita pa lamang niya rito.
Ginawa ni Sunny ang lahat para mapalapit sa binata at nagtagumpay naman siya. Ngunit nalaman niya ang dahilan kung bakit naging napakadali para kay Daego na sabihing mahal din siya nito—ginamit siya ng lalaki para makaganti sa kapatid niya.
Ano ang kinalaman ng Kuya Gus ni Sunny sa nakaraan ni Daego?