Shopping Cart

You save ₱0.00 on this order.
Total

₱0.00

Checkout
Category
In Your Loving Arms
E-book

In Your Loving Arms

by: Laurice del Rio

₱45.00
Category: Precious Hearts Romances
Weight: grams
Texture:
Quantity:
Size:
Weight: grams
Texture:

“Love really couldn’t be denied. Kahit kasi pinili kong lumayo sa iyo, hindi rin matahimik ang puso ko. Hinahanap ka niyon, pinangungulilaan.”


Nagpunta si Cielo sa Isla Fortuna para manguha ng larawan ng mga agila para sa isang coffee table book. Ang pagkakaalam niya ay walang ibang nakatira sa pribadong isla. Kaya laking gulat at takot niya nang isang gabi ay nagising siyang may lalaking nakatunghay sa kanya. Parang mahihimatay siya sa takot nang makilala ito. Ang lalaki ay asawa ng babaeng diumano ay namatay sa isla at ang lalaki ang pinaghihinalaang pumatay sa asawa nito!


Kahit ano ang sabihin ni Cielo ay ayaw nitong maniwala na ang tanging pakay niya sa pagpunta sa isla ay upang manguha ng mga larawan. Ayaw rin naman siyang payagan ng lalaking umalis.


Sa paglipas ng mga araw ay unti-unting nagduda si Cielo kung totoo nga ba talaga ang tsismis na ang lalaki ang pumatay sa asawa nito. Pinagdudahan din niya ang kanyang katinuan dahil parang may kakaibang nadarama si Cielo para dito. Giit naman ng matinong bahagi ng isip niya, sabihin nang hindi totoong pinatay ng lalaki ang asawa nito, sandamukal pa rin ang issues nito sa buhay. He was definitely not the kind of guy she would want to fall in love with.
Pero paano niya pipigilan iyon gayong sa bawat araw na lumilipas ay nadarama ni Cielo na lalong nahuhulog ang loob sa lalaki?

    There are no ratings for this product yet.

Related Products

Download our new eBooklat App

Experience our new app and subscribe.

ImageImageImage
Image
Image