Hindi maitatanggi ang atraksiyong agad namagitan kina Bey at Mikho sa unang pagkikita pa lamang nila, pero pinili ng dalagang iwasan si Mikho sapagkat menor-de-edad ito habang siya ay isa nang guro. Sukat-akalain ba niyang sa pagbubukas ng pasukan ay magiging estudyante pa niya si Mikho!
Alam niya, Simula na iyon ng kanyang kalbaryo—at hindi siya nagkamali. Hanggang sa iwan niya ang pagtuturo. Ten years later, they met again. She could remember the boy that Mikho used to be... at alam niya na hindi na ito iyon. In fact, mas eksperyensiyado ito kaysa sa kanya, mas mature mag-isip.
At naisip niya, wala naman sigurong masama kung pakakawalan na niya ang damdamin niya para sa binata na sampung taon din niyang sinikil...