| Category: | Precious Hearts Romances |
| Weight: | grams |
| Texture: | |
| Stocks Left: | |
| Quantity: |
| Size: | |
| Weight: | grams |
| Texture: |
“Ayokong pigilan ang nararamdaman kong ito. Ayokong dumating ang araw na pagsisihan kong hindi ko in-enjoy ang damdaming ito. I want to enjoy these, all of this, till it’s time to say good-bye.”
Pangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paboritong Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her existence known to the man of her dreams. Nagpanggap siyang katulong para lamang mapalapit dito.
Pero ang naging tingin ng lalaki sa kanya ay isang bangungot na hindi maalis-alis sa tabi nito. Tuloy ay laging mainit ang ulo ng binata, lagi siyang inuutusan, sinisigawan, at pinagbabagsakan ng pinto. Pero si Zyren ay hindi sumuko. Bale-wala iyon sa kanya as long as hindi siya pinapalayas sa bahay nito sa kabila ng gabundok niyang kapalpakan.
Hanggang isang araw, dumating ang sariling bangungot ni Zyren. Sa katauhan ng fiancée ng lalaki...