This is paradise, Ollie!" Sobrang ligaya ang naramdaman ni Michelle nang dalhin siya ni Oliver sa isang malaparaisong lugar. Iyon daw ang Heaven's Garden. Hinawakan ni Oliver ang kanyang mga kamay. "Naaalala ?no pa ba ang unangpagkakataon na nagkita tayo?" Sumulyap siya sa kanyang nobyo. "Paano ko ba malilimutan ang unang pagkikita natin? You were a jerk back then. A little devil," nangingiting akusa niya. They could not help but walk down memory lane. Alam ni Michelle ang dahilan kung bakit dinala siya ni Oliver sa Heaven's Garden. Magpo-propose na ito ngkasal. Pero hindi ganoon ang narinig niyang sinabi nito. "I... I c-couldn't leave without sayingg-good-bye kaya kita dinala rito. Para makasama ka, para masabi kong mahal kita. I love you... Good-bye." Gusto niyang isipin na nagbibiro lamang si Oliver. Pero paano pa niya iyon iisipin kung nakikita niyang tumutulo na ang mga luha nito?